^

Police Metro

2% populasyon ng bansa isasalang sa mass testing

Malou Escudero - Pang-masa
2% populasyon ng bansa isasalang sa mass testing
Nakapila ang mga tricycle driver upang sumailalim sa rapid testing ng COVID-19 bilang bahagi ng kautusan ng Mandaluyong City government bago sila muling makapamasada.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Isa hanggang dalawang porsiyento lamang ng populasyon ang isasalang sa testing o hanggang 10% ng populasyon sa lugar na itinuturing na epicenter”.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos mapaulat na walang mass testing na magaganap sa bansa.

Ipinaliwanag ni Roque na walang bansa sa mundo ang may kakayahan na isailalim sa testing ng COVID-19 ang buong populasyon.

“Sabi ko nga po, walang bansa sa mundo ang kayang mag-test ng lahat ng kanilang mamamayan. Ang susi sa testing ay work on benchmarks, ibig pong sabihin nito ay 1 to 2 percent of the population of the entire country or in the case of an epicenter, even higher than up to 10%. At iyan po ang ninanais natin sa Metro Manila,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque, walang perpektong formula at kailangang sundan ang ginagamit na batayan sa buong mundo na siyang ginagawa ng gobyerno.

Nilinaw ni Roque na hindi naman ipinapaubaya lahat ng gobyerno sa pribadong sektor ang pag-test ng mga mamamayan at hindi dapat gamitin ang terminong “mass testing” at sa halip at “expanded targeted testing.”

Inulit ni Roque na sa Pilipinas, ang mga kailangan lamang i-test ay ang lahat ng symptomatic, lahat ng galing sa ibang bansa at lahat ng mga nakasalamuha ng isang nagpositibong pasyente at mga overseas Filipino workers na umuuwi sa bansa.

Nilinaw din ni Roque na hindi pipigilan ng gobyerno ang pribadong sektor na i-test ang mga empleyado bago pabalikin sa trabaho.

Related video:

vuukle comment

MASS TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with