^

Police Metro

Mall owners, papanagutin sa ‘di pagbibigay ng libreng PPEs sa empleyado

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi tumutupad ang mga mall owners sa kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na bigyan ng personal protective equipment o PPEs ang kanilang mga empleyado upang maiwasan at makontrol ang COVID-19.

Ito ang ibinulgar ni Senador Imee Marcos at sinabing may ilang supermarkets at malls na napag-alaman ng kanyang tanggapan na mismong empleyado ng ilang supermarket tulad ng cashier, bagger at promodizer ang bumibili ng kani-kanilang PPEs tulad ng face mask, alcohol o sanitizer para proteksyunan ang kanilang kalusugan habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

“Dapat imbestigahan ng DOLE at ng DTI ang ginagawang panloloko ng ilang mga supermarket sa kanilang mga empleyado. Kung mapapatunayang me­ron ngang ginawang paglabag, dapat lang na parusahan ang mga may-ari ng supermarket,” pahayag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos, bukod sa mga cashier, bagger at promidizer na hindi binibigyan ng PPEs, ang mga security guards ay wala ring natatanggap na regular na probisyon ng mga gamit na magbibigay proteksyon sa kanila, at sa halip sila mismo ang gumagastos ng sarili nilang pera para makabili ng face mask.

“Yung isang malaking supermarket, binigyan lang sila ng face mask ng isang beses at ang mga sumunod na araw sila na ang dapat mag-provide ng kanilang mga gamit. Yung mga security guard naman, binigyan sila ng face shield pero pagdating sa face mask sila na ang bumili para sa kanilang sarili,” pagbubunyag ni Marcos.

vuukle comment

DOLE

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with