^

Police Metro

234 pulis na ang positibo sa COVID

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 234 personnel ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng PNP kung saan 69 na ang nakarekober habang apat na ang nasawi.

Naitala na rin ng PNP ang nasa 705 probable COVID-19 case habang 540 pa ang nakalista bilang suspected case.

Naglaan na ang PNP ng mga isolation facilities sa loob ng Camp Crame para sa mga personnel na kailangang mag-self quarantine.

Una nang sinabi ni PNP chief P/General Archie Francisco Gamboa na hindi kailangang isailalim ang Camp Crame sa lockdown sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 cases sa kanilang hanay.

vuukle comment

COVID-19

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with