^

Police Metro

Malls sa Cavite muling ipinasara ni Gov. Remulla

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agad na ipinasara ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang mga mall nang lumobo ang bilang ng kaso ng COVID-19 mula nang ipatupad ang general community qua­rantine (GCQ) sa lalawigan noong Mayo 16.

Sa bisa ng Executive Order na sinang-ayunan ng mga alkalde sa Cavite, ipinag-utos ni Remulla ang pagpapasara muli ng lahat ng malls sa lalawigan.

Sinabi ni Remulla na bigo ang pamunuan ng mga mall na magpatupad ng social distancing. Maging ang mga supermarket at drug store na nasa loob ng mall ay pansamantalang sarado muna hanggang sa ma­kagawa na ng hakbang ukol sa social distancing.

Nakiusap din si Remulla sa mga manggagawa sa Cavite na huwag abusuhin ang paggamit ng kanilang company ID. Dapat aniya ay mayroong certificate of duty mula sa HR sa araw at oras ng kanilang trabaho. Kung hindi oras at araw ng duty ay hindi pwedeng gamitin ang company ID para gumala-gala.

Dagdag pa ng gobernador, mula sa 239 cases noong Mayo 13 ay uma­bot na sa 275 ang kaso ng COVID-19 nitong Mayo 17. Halos 40 aniya ang nadagdag sa kaso sa loob lang ng ilang araw na pag-iral ng GCQ.

vuukle comment

JONVIC REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with