Rider utas sa road rage
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang rider nang barilin ng nakaaway na rider nang magtalo sa kalsada kahapon ng madaling araw sa Brgy. Calibuyo, Tanza, Cavite.
Ang nasawi ay nakilalang si Joybert Garde, 46, may-asawa, ng Sitio Matabok, Brgy. Calibuyo Tanza, Cavite.
Kusang loob namang sumuko ang mga suspek na sina Samuel Florencio Jr., 26 at angkas na si Sergio Enriquez, 47, kapwa residente ng Brgy. Sahud Ulan, Tanza,Cavite.
Sa imbestigasyon, bago ang krimen, alas-4:00 ng madaling araw ay sakay ang biktima ng Rusi motorcycle at patungo ng A. Soriano Highway nang makasagian nito ang magkaangkas na suspek.
Nagalit umano ang biktima at kinompronta ang dalawang suspek at ang pag-uusap ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang bumunot umano ng baril ang una at tinutukan ang mga huli. Subalit, nagawang maagaw ng mga suspek ang baril sa biktima at dito ay pinutukan nila nang sunud-sunod sa katawan na naging sanhi ng kamatayan nito.
- Latest