^

Police Metro

Simbahan sa IATF: ‘Thanks but no thanks’

Danilo Garcia - Pang-masa
Simbahan sa IATF: �Thanks but no thanks�
Bagama’t kinilala ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang desisyon ng pamahalaan na payagan ang mga religious gatherings sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine o MECQ at general community quaran­tine o GCQ, dismayado ang obispo sa kawalang sapat na konsultasyon ng IATF kaugnay sa gawaing pangsimbahan.
File

MANILA, Philippines — ‘Thanks, but no thanks!

Ito ang sagot ng Simbahan sa pagpayag ng Inter-Agency Tasks Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa pagsasagawa ng gawaing simbahan dahil sa hindi praktikal at hindi makatotohanan ang bilang na iminungkahi ng ahensya.

Bagama’t kinilala ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang desisyon ng pamahalaan na payagan ang mga religious gatherings sa mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine o MECQ at general community quaran­tine o GCQ, dismayado ang obispo sa kawalang sapat na konsultasyon ng IATF kaugnay sa gawaing pangsimbahan.

Batay kasi sa Section 2 No. 9 ng guidelines na inilabas ng IATF sa lugar na umiiral ang MECQ tulad sa National Capital Region, pinapayagan ang pagsasagawa ng mga gawaing simbahan pero limitado sa 5-10 katao lamang ang maaaring pumasok sa simbahan.

Puna ng Obispo, ang ibang tanggapan at iba pang institusyon ay pinapayagan ng pamahalaan ang halos kalahati sa kanilang work force tulad ng mga pabrika ngunit ang mga simbahan na malalawak ang lugar ay nililimitahan lamang ang maaaring pumasok. Una nang nagsumite ng pa-nuntunan ang archdiocese sa IATF sa pamamagitan ng Department of Health, dalawang linggo ang nakalilipas ngunit wala silang natanggap na feedback.

Sinabi pa ng Obispo na mas magandang magbigay ang IATF ng alituntunin tulad ng pagpapa-tupad ng isa o dalawang metrong pagitan ng mga magsisimba sa loob ng simbahan.

vuukle comment

IATF

SIMBAHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with