^

Police Metro

2 HVT timbog sa P6 milyon shabu

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang pinaghihinalaang High Value Target (HVT) sa drug list  na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P6 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Marlon Santos, kinilala ang mga suspek na sina Chito Gotgotao, 32, ng New Lower Bicutan, Taguig City at Charlie Legaspi, 48, ng Central Signal Village, Taguig City.

Ayon sa opisyal, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng Drug Enforcement Team at Special Operations Group ng Cavite Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni P/Maj. Dhefry Punzalan at ng Regional Special Operation Unit (RSO)4-A sa nasabing lugar kamakalawa ng hapon.

Isang poseur buyer ng pulisya ang bibili ng limang gramo ng shabu. Habang isinasagawa ang transakyon, inaresto ang suspek habang iniaabot ang shabu sa undercover agent kung saan nasamsam mula rito ang 20 piraso ng plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng isang kilo at limang gramo.

Sa pagtaya ng opisyal, umaabot sa P6,834,000.00-M ang halaga ng nakumpiskang mga shabu sa mga suspect.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with