^

Police Metro

College student nakuryente sa bubungan

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 24-anyos estudyante matapos makuryente habang ina-ayos ang bubong ng kanilang boarding house sa Zone 1B, Brgy. Sagpon, Daraga, Albay kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Junil Banzagales, binata, 1st-year college ng Bicol College at residente ng Brgy. Napao sa bayan ng Bacacay.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon bilang paghahanda sa paparating na bagyong “Ambo” umakyat ng bubong ng kanyang tinutuluyang boarding house na pag-aari ni Amy De Guzman ang biktima para ayusin.

Gayunman, habang inaayos ang bubong ay aksidenteng nahawakan nito ang kable ng kuryente dahilan para mangisay ang biktima.

Walang malay na isinugod sa Bicol Regional Trai­ning and Teaching Hospital ang biktima, pero hindi na umabot nang buhay dahil sa tinamong 3rd degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

KURYENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with