^

Police Metro

Jail guard timbog sa buy-bust

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang jail guard na pinaniniwalaang nagtutulak ng ipinagbabawal na droga ang nahulog sa patibong ng pulisya matapos kumagat sa inilatag na buy-bust operation sa Tuguegarao City, Cagayan, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Tuguegarao City Police ang nahuling suspek na si Arturo Advincula, 49, nakatalaga sa Cagayan Provincial Jail at residente ng Centro Tuao, Cagayan.

Ang suspek ay natimbog ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cagayan Provincial Office at Cagayan Police Provincial Office (CPPO) matapos bentahan ng shabu ang isang operatiba ng pulisya na unang nagpanggap na buyer sa Arrow Village, Carig Norte, Tuguegarao City dakong alas 9:10 ng umaga.

Nasamsam kay Advincula ang 5 sachet ng shabu, 5 piraso ng bala ng Cal. 45, 7 piraso ng bala ng cal. M16, 1 piraso ng bala ng Cal. 9MM, buy-bust money na nagkakahalaga ng limang libong P5,000, 2 piraso ng cellphone at 1 unit ng motorsiklo na ginamit sa nasabing transakssyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with