Meralco pinagpapaliwanag sa tripleng singil sa bills
MANILA, Philippines — Nais ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) at House Committee on Energy Vice Chairman Rep. Jericho Nograles na magpaliwanag ang Manila Electric Company (MERALCO) sa biglang pagsirit ng sobrang taas sa singil nito sa kuryente sa gitna na rin ng lockdown sa Metro Manila dulot ng COVID-19 pandemic.
Nais niyang magpadala sa House Committee on Energy ang Meralco ng detalyadong paliwanag sa biglaang pagtaas ng electric bills ng mga konsyumer nito na halos triple.
Anya, karamihan sa mga konsumer ng Meralco ay nagrereklamo na triple ang singil sa kuryente pagda-ting ng kanilang electric bills sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) na sobrang pasakit sa mga konsumer dulot ng lockdown na karamihan ay “no work, no pay”.
- Latest