^

Police Metro

8 timbog sa P19 milyon shabu sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pang-masa
8 timbog sa P19 milyon shabu sa Caloocan
Iprinisinta ng pulisya ang walong suspek na naaresto sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang nasa 2.8 kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagka-kahalaga ng P19 milyon at drug paraphernalias sa isang bahay sa Caloocan City.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Walong katao ang naaresto ng Northern Police District (NPD) sa isang drug buy-bust operation at nakumpiska ang mahigit P19 milyon halaga ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Arthur Salguero, 49; Rose Cruz, 31; Ricky Nelson Cruz, 57, pawang residente ng Gilmar Subdivision, Brgy. 168 Deparo, Herchill Resco, 24, Jhon Dale Estorninos, 21. Joshua De Andres, 24,  Albert Delema, 26, pawang residente ng Valenzuela City at Willam Tante, Jr. 39 ng Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy-bust operation kontra kay Salguero at mga kasama nito sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. 168 Deparo na ginagawa umano nitong drug den.

Nang iabot ni Salguero at kanyang kasama ang isang pack ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P50,000 marked money na binubuo ng limang pirasong P1,000 bill at 45 piraso ng boodle money ay agad silang sinunggaban ng otoridad habang naaktuhan naman ang iba pang suspek na bumabatak sa loob ng bahay.

Nasabat din ng mga operatiba sa mga suspek umaabot sa 2.8 kilos ng shabu na may standard drug price na P19,040,000.00, tatlong cellphones, isang itim na Toyota Vios (ALA-1169) at ilang drug paraphernalias.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with