^

Police Metro

Gunrunner dedo sa shootout

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang gunrunner na drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na humahabol sa kanya nang makatakas sa buy-bust operation sa Zone 6, Sitio Benodegahan, Brgy. Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur, kamakalawa.

Ang suspek na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Muhammad Samid alyas “Badjao”, nasa hustong gulang ng Brgy. San Jose, Iriga City.

Nabawi mula sa suspek ang isang high powered shotgun, kalibre 38 revolver at ilang sachet ng shabu habang nakatakas naman ang hindi nakilalang kasama na nagmamaneho ng motorsiklo.

Sa ulat, alas-11:20 ng umaga ay kumagat si Samid sa inilatag na buy-bust operation ng Balatan Police makaraang alukin nito ng ibenebentang baril ang posuer buyer.

Gayunman, habang ginagawa ang transaksyon ay nakahalata si Samid na pulis ang kanyang ka-deal kaya’t bigla itong sumakay sa motorsiklo na minamaneho ng isang kasama.

Subalit, pinagbabaril ng suspek ang mga humahabol na pulis kaya napilitang gumanti ang mga pulis at tinamaan ang suspek at nahulog habang minamaneho ng kasama na nakatakas.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with