^

Police Metro

Sekyu na nagbanta kay Duterte sa FB, timbog sa NBI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki pa sa Cebu ang inaresto kahapon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI-7) dahil sa pag-post ng banta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Face book account.

Kinilala ng suspek na si Dether Pajartine Japal, isang security guard mula Lapu-Lapu City na ikatlong netizen na naaresto ng mga otoridad sa pagbabanta kay Pangulong Duterte.

Sa imbestigasyon ng NBI, nag-post si Japal sa kaniyang Facebook na magbibigay siya ng P20,000 sa sinumang makapapatay kay Pa­ngulong Duterte na naka-dirty finger.

Nakasulat sa post nito ang mga katagang: #@*! ka dutae barilin kita sa mukha, nawalan kami ng trabaho dahil sa iyo.pagmalapitan lang kita babarilin kita jan eh...may reward ako, 20k kung sino ang makakapatay sa #@*! ina tae na yan.”

Magugunita na una nang naaresto ng NBI sa Sta.Cruz, Zambales ang guro na si Ronnel Mas sa pag-post nito sa kanyang Twitter account “I will give P50-M reward kung sino ang makakapatay kay Duterte” noong Mayo 5, 2020 na nilagyan niya ng hashtag na NoToABSCBNShutDown at kamakalawa ay si Ronald Quiboyen,construction worker  na nadakip sa Boracay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP sa post nito na nag-aalok ng P100 mil­yon pabuya sa sinumang makakapatay sa Pangulo at binanggit sa kanyang post na siya ay nasa Boracay.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with