^

Police Metro

Sunog sa Navotas: 70 pamilya nawalan ng bahay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 70 pamilya ang nawalan ng kanilang mga bahay sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ayon kay Fire Supt. Marvin Carbonell, fire marshal ng Bureau of Fire Protection Navotas, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Michael Acuna, sa Sampaguita Street, Brgy. Tanza, bandang ala-1:00 ng mada-ling araw.

Mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga kabahayan na pawang gawa sa light materials kaya’t agad na iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog.

Makalipas ang isang oras ay naapula ang sunog ng rumespondeng mga tauhan ng BFP.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente ngunit tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng pinsala nito sa ari-arian.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang pinagmulan ng apoy at isa sa tinitignan ng mga ito ay electrical overload.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with