^

Police Metro

179 pulis na ang nahawaan ng virus

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 179 mga pulis na ang kumpirma-dong positibo sa COVID-19 nang makapagtala ng panibagong 39 pang pulis na nagpositibo sa virus.

Sa ipinalabas na datos ng Philippine National Police  Health Service, mula sa 179 na nagpositibo sa COVID-19,  57 ang nakarekober, 4 ang nasawi habang 118 naman ang kasalukuyang naka-confined o quarantine.

Mula sa 118 na mga kumpirmadong kaso, 91 ang nasa  quarantine facilities, 6 naman ang naka confined sa ospital habang 21 personnel ang nasa home qua-rantine na patuloy na inoobserbahan.

Inaasahan naman na tataas pa ang bilang sa mga susunod na mga araw dahil sa patuloy ang isinasagawang mass testing sa PNP personnel na nagsisilbing mga front liners.

Nasa 638 PNP personnel ang itinuturing na  pro-bable cases habang 390 personnel ang itinuturing na suspect cases.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with