^

Police Metro

Paglabag sa quarantine protocols sa B-day party ni NCRPO Chief Sinas, pinaiimbestigahan

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Una, walang party” na nangyari ang sabi ni Gen. Debold Sinas. Probably nagkaroon ng mañanita pero doon sa mañanita ang sabi ni Gen. Sinas is that inobserve pa rin nila ‘yong mga social distancing. Now, I don’t think na meron namang violation ito,” saad ni Gamboa sa virtual press briefing.

Ganito ang  naging pahayag ni Gamboa tungkol sa mga batikos ng netizen sa naganap na birthday party ni Sinas sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Nabatid na nagsagawa ang NCRPO ng birthday serenade para kay Sinas noong Biyernes, May 8 kung saan ibinahagi ng NCRPO Public Information Office sa kanilang Facebook page ang larawan na binibigyan ng mga police officers ang NCRPO chief ng mga rose at cake.

Sa kabila nito, siniguro ni Gamboa na tumugon sila sa physical distancing.

Iginiit din ng PNP chief ang katagang ‘no one is above the law.’

“So hindi pa talaga natin alam kung allowed ‘yong parties kasi alam naman natin kapag may party ang pinaka-vulnerable na puwedeng violation dito would be mass gathering. So we really don’t know as of yet, but as of ngayon, bawal kasi wala pa naman nilalabas na detailed policy about this,” pahayag pa nito.

Inatasan na ni Gamboa ang Internal Affairs Service na imbestigahan ang pagdaraos ng birthday party ni Sinas.

Partikular na iniutos ni Gamboa ang pag-iimbestiga sa umano ay paglabag sa quarantine protocols sa event.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sinas tungkol sa isyu ng selebrasyon at burado na rin ang mga larawan kaugnay ng selebrasyon na lumabas sa social media kung saan marami ang dumalo na isang malinaw na pag­labag sa pagbabawal sa mass gathering.

Iniutos ni Gamboa sa PNP-IAS na magpadala ng investigation team sa NCRPO para magkasa ng formal inquiry.

Related video:

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with