Isa pang netizen na nag-alok ng P100 milyon sa makapapatay kay Duterte, nadakip
MANILA, Philippines — Isa pang netizen na nag-post sa Facebook na nag-alok ng P100 milyong pabuya sa makakapatay kay Pangulong Duterte ang naaresto ng mga otoridad sa Boracay.
Kinilala ang naarestong suspek na si Ronald Quiboyen, construction worker ay nadakip sa Boracay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.
Si Quiboyen ay nag-post sa kaniyang social media na dodoblehin niya ang P50 million at gagawin niyang P100 million ang pabuya sa makapapatay kay Duterte at binanggit sa kanyang post na siya ay nasa Boracay.
Kasong inciting to sedition sa ilalim ng Article 142 ng Revised Penal Code ang isinampa laban kay Quiboyen.
Kahapon ay naaresto si Ronnel Mas, 25-anyos, guro sa pag-post nito sa kanyang Twitter account “ I will give P50M reward kung sino ang makakapatay kay Duterte” noong Mayo 5, 2020 na nilagyan niya ng hashtag na NoToABSCBNShutDown.
- Latest