^

Police Metro

4 tiklo sa P5.8 milyong shabu buy-bust

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang naa­resto ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust ope­ration sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Ronnel Ereno, 22, ng 135 M. Domingo St., Brgy. Tangos, North; Randel Dela Cruz, 24, ng 106 M. Domingo St.; Sheila Eyana, 31, ng 153 Ablola St.; at Christopher James Aguilar, 29, ng 7A Katibunan St. Muzon, Malabon City.

Sa ulat, bago naaresto ang mga suspek,alas-8:20 ng gabi ay nagkasa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation kontra sa mga suspek kasunod ng ilang araw na surveillance ope­ration.

Nagawang makaiskor ang isang police poseur-buyer ng halagang P10,000 ng shabu mula kay Ereno na pumayag makipagtagpo sa kanya  sa Togo St., Brgy. Tangos North.

Nang iniaabot ng mga suspek ang isang pakete ng shabu sa undercover kapalit ng dalawang tunay na P1,000 bills na kabungkos ng boodle money ay agad lumapit ang back na operatiba saka dinamba ang mga suspek.

Bukod sa marked mo­ney at droga na target ng buy-bust, nakakuha pa ang mga pulis ng 12 nakabuhol na plastic ng yelo, isang plastic na naka-staple, at apat na heat-sealed plastic sachets, na lahat ay nagla­laman ng shabu na tumitimbang ng 855 gramo at may halagang P5,814,000.00.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with