^

Police Metro

4 preso sa Masbate, pumuga

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinutugis ngayon ang apat na preso matapos pumuga sa kanilang kulungan sa Milagros Police Custodial Facility sa Brgy.Bacolod sa bayan ng Milagros,Masbate kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang tumakas na mga preso na sina Geneses Gogolin Alcalde, 31, residente ng Brgy.Poblacion West, Noel Yule Broca, 27,ng Sitio Feeder Road, Ricky Matotes Cortes, 18,ng Brgy.Bonbon at Raul Nunez Sr., 44, residente ng Purok Langka,Brgy.Paraiso.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng inspection sa custodial facility si Cpl.Prudencio Conde Jr.,duty station guard nang napansin na wala na sa loob ang binabantayang mga preso.

Nadiskubreng nakatakas ang mga suspek sa pamamagitan nang paglagare ng railing bar ng kulungan sa ibabang bahagi at saka pwersa­hang binaluktot ang bakal na naging daan upang makalabas ang preso na nahaharap sa mga kasong murder, carnapping, roberry at rape.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with