^

Police Metro

Baragay chairman sa Caloocan, 2 tauhan hinati ang ayuda ng SAP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isasailalim sa imbestigasyon ang isang barangay chairman at dalawa nitong tauhan nang ireklamo sa umano’y sapilitang kuhanan ng kalahati ng social amelioraton program (SAP) ang mga benepisaryo.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ay kanya nang pinaiimbestigahan sina Barangay 127 Chairman Lee Vitug, executive officer na si Vic Gaelo at isang nagngangalang Lina matapos lumutang ang isang video na nagpapakita na pumunta sa isang SAP beneficiary at sapilitang kinuha ang P4,000 sa kanyang natanggap na ayuda para umano ipamigay sa ibang kuwalipikadong residente na hindi kabilang sa programa.

Narinig pa umano sa video na sinasabi ni Vitug sa benepisyaryo na siya ang nagbigay ng pangalan nito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit kailangang ibahagi ang kalahati nito at nang matunugan ni Vitug na may kumukuha ng video ay umiskyerda ito at ang kanyang mga alalay.

Gayunman, isang hindi nakilalang lalaki ang bumalik sa eksena at pinilit ang benepisyaryo na ibigay sa kanya kahit kalahati ng P4,000 at dahil pakiramdam ay ginigipit na siya, ibinigay na lang nito ang P2,000 sa mapilit na lalaki.

Pinabulaanan ni Vitug ang bintang at iginiit na tumulong lang sila sa DSWD sa pamamahagi ng cash assistance na direktang ipinagkakaloob sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with