^

Police Metro

Jeepney drivers sa Maynila binigyan ng tig-isang kaban ng bigas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na hindi nakakabiyahe dulot ng quarantine ay binigyan ang nasa 1,777 drivers at operators na miyembro ng dalawang transport groups ng tig-isang kaban ng bigas.

Inihatid ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa kani-kanilang bahay ang isang kaban o 50 kilo ng bigas sa mga miyem­bro ng Pasang-Masda at Federation fo Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Samantala, matapos na makarating sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga sumbong ng mga senior citizen na hindi nabigyan ng kanilang mga barangay officials ay nagpahabol ito ng ayudang gatas at tig-P1,500 cash.

Matatandaan na naglabas ng P13.3 milyong alokasyon ang Manila City Council para mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga senior citizen habang isang kompanya rin ang nagbigay ng donasyon na gatas ngunit nasa 8,931 seniors ang nagreklamo na hindi sila naabutan ng ayuda.

Sinabi ni Moreno na iimbestigahan at papanagutin ang mga barangay officials na nagpabaya kung bakit hindi nakasama ang malaking bilang ng senior citizens.

vuukle comment

MTPB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with