^

Police Metro

INC nag-donate ng 3,000 sakong bigas, PPEs sa Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-donate ang Igle-sia ni Cristo (INC) ng 3,000 sako ng bigas at 1,000 piraso ng personal protective equipment (PPE) sa lungsod ng Maynila.
Dahil dito, nagpasalamat si Manila Mayor Isko Moreno sa INC sa ibigay na tulong sa kanyang mga constituents at health frontliners.

“Malaking bagay po ang tulong na ito. Umasa po kayo na makarara-ting po ito sa tamang tao, ‘yung mga taong nanga-ngailangan,” ani Moreno.
Nagtungo si Moreno sa INC central office upang ihayag ang kanyang personal na pasasalamat sa pamamagitan ng gene-ral auditor ng INC na si Glicerio “Jun” Santos, Jr.
Sa tala kamakalawa, ang COVID-19 confirmed cases sa lungsod ay umabot na sa 811 ang confirmed, 934 ang suspect at  9 ang probable cases. Nasa 77 naman ang nasawi at 136 ang naarekober.

Samantala, nanawagan ang alkalde sa mga ina na may mga sanggol na hindi pa nababakunahan laban sa tigdas na kadalasang umaatake sa panahon ng tag-init.
“Uso ang tigdas dahil summer, that’s why we conducted immunization in five barangays which have been seen with presence of measles,” ani Moreno.
Magkakasabay na isasa­gawa ang immunization ng mga tauhan ng Manila Health Department (MHD), habang patuloy ang pagsasagawa ng COVID rapid testing sa ilang lugar.

vuukle comment

PPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with