^

Police Metro

Mahigpit na patakaran vs POGOs at service providers, ikinasa ng BIR

Angie dela Cruz - Pang-masa
Mahigpit na patakaran vs POGOs at service providers, ikinasa ng BIR
Ayon sa BIR, dapat munang matiyak na rehistrado ng maayos, nagbayad ng kaukulang halaga ng income taxes at franchise fees ang POGOs sa pamahalaan bago ito payagan na magbalik operasyon sa panahon ng quarantine.
Vallery Hache/AFP

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng mahigpit na patakaran ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa muling pagbubukas ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at kanilang mga service providers sa bansa.

Ayon sa BIR, dapat munang matiyak na rehistrado ng maayos, nagbayad ng kaukulang halaga ng income taxes at franchise fees ang POGOs sa pamahalaan bago ito payagan na magbalik operasyon sa panahon ng quarantine.

Nakasaad sa naitakdang  guidelines at require­ments ng BIR, ang lahat ng POGO licensees o operators ay dapat munang magpakita ng katunayan na sila ay bayad ng kanilang 2019 franchise taxes, withholding taxes due para a buwan ng Enero hanggang Abril ng taong ito, gayundin ang unang quarter ng bayad para sa kanilang 2020 franchise tax bago mabigyan ng tax clearances at payagan na makabalik sa operasyon.

Bukod dito, ang POGO service providers ay dapat magsumite ng katunayan na bayad sila sa kanilang 2019 income taxes, nag-remit at nagbayad ng withholding taxes sa buwan ng Enero-Abril ngayong taon kasama na ang 25 percent final withholding tax due mula sa kanilang mga dayuhang empleyado bago mabigyan ng BIR ng tax clearances at mabuksang muli ang negosyo.

Lahat ng  POGO licen­sees, operators at service providers ay dapat ding magsumite ng notarized undertaking na susuporta sa kanilang pangako na magbabayad ng lahat ng tax arrears sa loob ng mga taon ng kanilang ope-rasyon at dapat nakarehis­tro sa Revenue District Of-fice (RDOs) na nasa lugar ng hurisdiksyon ng negosyo.

Ayon kay Revenue De-puty Commissioner Arnel Guballa, head ng POGO Task Force ng BIR na wala silang maibibigay na BIR clearance sa POGO at service providers kung bigong sundin ang naturang mga patakaran ng BIR.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with