^

Police Metro

5 NPA patay sa engkuwentro

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang pinaniniwalaang mga kasapi ng New People’s Army ang nasawi habang anim na high powered na baril ang nabawi sa kanila matapos makaengkuwentro ng tropa ng pamahalaan sa bulubunduking lugar ng Brgy.Dolos sa bayan ng Bulan, Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ang bangkay ng mga kadre na sina Jerick Bono, Ben Palanc, Munding Tañada, Ka Robot at isang “Ka Amie”. Nabawi naman ang limang mahahabang uri ng baril, isang kalibre 45 pistola, mga bala, mga pampasabog, internet router, laptop, dalawang handheld radio, generator set at maraming subersibong dokumento.

Sa ulat ni Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, dakong alas-5:30 ng umaga habang nagsasagawa ng security patrol operation sa nasabing barangay ang mga kasapi ng Special Action Force, Regional Intelligence Unit, Sorsogon City Police, Sorsogon Provincial Police, 2nd Provincial Mobile Force Company at 31st Infantry Batallion ng Philippine Army nang masabat nila ang hindi mabilang na mga rebelde.

Agad nagkapalitan ng putok ang magkabilang panig na umabot ng ilang oras hanggang sa tumakas ang mga rebelde at naiwan ang limang mga bangkay ng kadre.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with