^

Police Metro

Suplay ng tubig sa Metro Manila sapat hanggang Hunyo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit na patuloy ang pagbaba ng water level sa Angat Dam dulot ng nararanasang mainit na panahon at walang pag-ulan sa may water shed ng dam ay sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila hanggang sa buwan ng Hunyo.

Ito ang sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., dahil sapat pa ang tubig sa Angat Dam na nagsusuplay ng 90% sa pangangailangan ng mga taga Metro Manila.

Ang Angat dam ang nagsusuplay ng 90 percent ng  tubig sa MM.

“Ang mga dam natin partikular po ang Angat Dam ay bumaba pa rin po ang lebel dahil nga po mainit ang panahon.Inaasahan natin na bababa pa rin siya,” sabi ni David.

Sa latest water level sa Angat Dam ay umaabot sa  189.3 meters kaya’t matutugunan pa nito ang pa­ngangailangan sa tubig ng Metro Manila kahit walang nararanasang pag-ulan sa mga watershed ng dam.

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with