Resolusyon ng pagkilala sa mga bayaning frontliners, essential workers inihain sa Kamara
MANILA, Philippines — Inihain kahapon ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang resolusyong na kumikilala sa naiambag ng mga bayaning frontli-ners at essential workers sa gitna ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Sinabi ni Salo na sa kabila ng matinding pa-nganib at posibilidad na mahawa sa virus ay patuloy sa pagseserbisyo ang mga magigiting na frontliners at essential workers.
Kabilang sa mga essential workers at frontliners ang mga doktor, nurses, medical staff, barangay health workers, barangay tanod, pulis, at sundalo.
Ang mga supply chain workers, grocery store personnel, food delivery personnel, pati garbage collectors, ay kabilang din sa kinikilala sa inihaing re-solusyon ng mambabatas.
Sa data ng Department of Health (DOH) marami rin sa mga nahawa sa COVID-19 ay ang mga ba-yaning doktor at nurses na sumasabak sa giyera laban sa hindi nakikitang virus na kalaban. Sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit 10,000 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 685 ang nasawi at nasa 1,618 naman ang nakare-kober.
- Latest