^

Police Metro

Tulak pumalag sa drug buy-bust, todas

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang drug pusher habang arestado naman ang kasama nito matapos manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Juan Bautista, Goa, Camarines Sur.

Ang nasawing suspek dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Wilfredo Agravante, may-asawa at residente ng Brgy. Concepcion Pequena, Naga City. Arestado naman ang kasama nito na si Rykiel Jay Banares, 28-anyos, residente ng Brgy. Caraycayon, Tigaon.

Sa ulat, alas-4:20 ng hapon ay kumagat ang mga suspek sa inilatag na buy bust operation laban sa kanila ng tauhan ng Camarines Sur Police at Goa Police at habang nakikipagtransaksyon ang posuer buyer kay Banares ay nakahalata naman si Agravante na pulis ang katransaksyon nito.

Kaya bumunot ito ng baril at sinubukang barilin ang mga operatiba pero naunahan itong paputukan.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang sachet ng shabu, 500 piso na ginamit na buy bust mo­ney at hindi pa malamang kalibre ng baril.

vuukle comment

BUYBUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with