^

Police Metro

Preso na may kasong 3 counts of rape, nagbaril sa ulo

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 27-anyos na preso matapos na magbaril sa ulo gamit ang baril ng provincial guard kamakalawa ng hapon sa Camarines Sur Provincial Jail and Penal Farm sa Brgy.Tinangis sa bayan ng Pili ng nasabing lalawigan.

Ang nasawi ay kinilalang si Melchor Gregorio Salire residente ng Zone-4, Brgy. Calbayog, Malilipot, Albay at nahaharap sa kasong 3 counts ng panggagahasa.

Sa ulat, alas-5:20 ng hapon nagulat ang mga jailguards nang umali­ngawngaw ang putok ng baril mula sa kusina ng kulungan.

Agad rumesponde ang mga jailguards at nakitang nakahandusay ang biktima habang bumubulwak ang dugo sa ulo nito sa sahig habang nasa tabi ang Kalibre 45 baril na pag-aari ng gwardyang si Jerry Burce, 57-an­yos, residente ng Brgy. Mabolo, Naga City na pinaniniwalaang ginamit sa pagpapakamatay.

Nabatid na matagal nang trustee ng provincial jail and penal farm ang biktima kaya iniwan ito ni Burce habang nagluluto sa kusina at posibleng nakuha nito ang baril ng jailguard na nasa loob ng slingbag at nakapatong sa upuan na siyang ginamit sa pagbaril sa kanyang sarili.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with