^

Police Metro

Pag-apruba sa mga aplikanteng testing centers pinabibilisan sa DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ng Philippine Medical Association (PMA) sa Department of Health (DOH) na pabilisin ang pag-apruba sa mga aplikanteng testing centers dahil kulang na kulang pa rin umano para mapataas ang bilang ng mga isinasailalim sa COVID-19 testing.

Ayon kay PMA president Jose Santiago Jr., MD, na may 74 laboratoryo na kasalukuyang nakabinbin ang aplikasyon sa DOH na kinakailangan nang agarang maaksyunan kung nais ng pamahalaan na mapigil ang lalo pang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na may kapabilidad sila ngayon na makapagsagawa ng 6,300 testing kada araw makaraang hindi makamit ang target na 8,000 testing kada araw nitong Abril 30.

Ngunit sinabi ni Santiago na kaya lamang ng DOH na makapagsagawa ng 4,493 tests nitong nakaraang Mayo 1 at kulang na kulang ang mga testing center dahil maraming naka-pending na application.  

vuukle comment

COVID-19 TESTING

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with