^

Police Metro

Jinggoy inaresto sa paglabag sa ECQ

Mer Layson - Pang-masa
Jinggoy inaresto sa paglabag sa ECQ
Sa isang video, makikita ang mga residente na nakapila malapit sa isa’t isa habang namimigay naman ng mga bangus si Estrada. Maya-maya umano ay dumating na si Santos at “inimbitahan” ang dating senador sa istasyon ng pulisya. Kinumpiska rin ang mga food items na ipinamimigay nito.
Philstar.com/Jan Milo Severo

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga awtoridad si dating Senador Jinggoy Estrada nitong Linggo ng hapon matapos umanong lumabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocols habang namamahagi ng relief goods sa mga residente sa San Juan City.

Dinala sa himpilan ng pulisya sa San Juan si Estrada kasama ang kanyang anak na si dating Vice Mayor Janella Estrada kasunod ng pag-aresto sa kanya sa Barangay Salapan.

Ipinaliwanag ni San Juan Police chief P/Col Jaime Santos na inaresto si Jinggoy dahil sa paglabag sa social distancing at walang permit mula sa LGU. 

Sa isang video, makikita ang mga residente na nakapila malapit sa isa’t isa habang namimigay naman ng mga bangus si Estrada. Maya-maya umano ay dumating na si Santos at “inimbitahan” ang dating senador sa istasyon ng pulisya. Kinumpiska rin ang mga food items na ipinamimigay nito.

Nilinaw naman ni Estrada na wala siyang ginawang paglabag dahil naka­suot siya ng face mask at personal pro­tective equipment (PPE) habang namamahagi ng relief goods.

Sinabi ni EPD Directoe PBGen Johnson Almazan na inisyu niya ang direktiba na arestuhin si Estrada bunsod ng kautusan mula sa National Capital Region Police Office na istriktong ipatupad ang ECQ at arestuhin ang sinumang lalabag dito, anuman ang ranggo o katayuan nito sa buhay.

Matatandaang una nang nagkaroon ng iringan sa pagitan nina San Juan Mayor Francis Zamora at Estrada dahil sa pamimigay ng huli ng mga relief goods nang walang awtorisasyon.

vuukle comment

ECQ

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with