^

Police Metro

4 benepisaryo ng SAP, 4Ps arestado sa laklakan

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) at isang miyembro ng 4Ps habang nag-iinuman na paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Base sa ulat ni P/Lt. Col Jacquiline Puapo, Malolos City chief of police, kini-lala ang mga naaresto na sina Emilio Facto, 38-an-yos; Mario Arca, 60; Restituto Jimenez, 41 at Tomas Roxas, 63, at pawang naninirahan sa Brgy. Mojon lungsod ng Malolos.

Ayon kay Puapo, nagsagawa umano sila ng ope-rasyon para sa mga lalabag sa ECQ nang mamataan nila ang ilang kalalakihan na nag-uumpukan at walang mga suot na face mask. Mabilis nila itong pinuntahan at bago pa makalapit ay nagtakbuhan ang mga kalalakaihan. Nagkaroon ng ilang minutong habulan hanggang sa masakote ang apat.

Ani Puapo sa kanilang pag-iimbestiga, umamin ang tatlo na nakatanggap sila ng emergency cash subsidy na SAP mula sa  DSWD habang ang isa ay umamin na miyembro naman ng 4Ps. Depensa nila, napadaan lang umano sila sa nasabing lugar at nayaya lamang na tumagay.

vuukle comment

4PS

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with