3 inaresto sa pagsusugal sa kalye
MANILA, Philippines — Bagsak sa kulungan ang tatlong katao nang maaktuhan sila na naglalaro ng “tong-it” sa bangketa, sa kabila ng umiiral na curfew kaugnay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Ang tatlo na kinasuhan sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling) ay sina Ryan Gepilgon, 29, fruit vendor; Jomar Sapugar, 35, jobless; at Tasie Trocio, 30, installer, pawang residente ng Phase 4, Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.
Sa ulat,alas-8:15 ng gabi nang arestuhin ng mga nagpapatrolyang pulis ang mga suspek sa aktong nagsusugal matapos na makatanggap ng sumbong ang pulisya.
- Latest