^

Police Metro

P600 minimum wage rate ipatupad sa lahat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat na ipatupad ang P600 national minimum wage rate sa lahat ng rehiyon upang ganap na maisulong ang Balik Probinsya Program ng gobyerno.

Ito ang ipinunto ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa isinusulong nitong bagong minimum wage policy o House Bill 0668 upang magbalik probinsya ang mga manggagawa sa halip na magsiksikan sa Metro Manila.

Sinabi ni Salo na sa kasalukuyang minimum wage ay masyadong “unfair” sa pribadong sektor ng mga mangagawa at maging sa kanilang mga counterparts sa gobyerno na nabigyan ng mga suweldo depende sa magkakaibang polisiya.

Samantala, sanhi ng krisis sa COVID-19, sinabi ng Kongresista na dito ay mas higit na unfair ang polisiya sa magkakaibang minimum wages dahil kung tutuusin ang banta sa kalusugan  na kinakaharap ng mga frontline workers sa Metro Manila ay katumbas lamang sa mga probinsya.

Alinsunod sa HB 0668 sakaling maisabatas ay itinatakda rito ang national minimum wage na P600 maliban pa sa umiiral na National Wages and Productivity Commission (NWPC) at ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) naman ang magdedetermina ng insentibo at iba pang productivity achievement ng mga wage earners sa mga rehiyon.

vuukle comment

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with