Bar Exams ngayong 2020 suspendido
MANILA, Philippines — Dahil sa nararanasang krisis sa COVID-19 pandemic, sinuspinde ang bar examinations ngayong taong 2020.
Ito ang inihayag ng Korte Suprema sa inilabas na Bar Bulletin na pirmado ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairperson ng 2020 bar exams.
“Upon the recommendation of the 2020 Bar Examinations Chairperson, and in view of the increasing number of COVID-19 cases in the country, as well as the social and economic disruption caused by the pandemic and the resulting Enhanced Community Quarantine, the Supreme Court En Banc resolved to postpone the 2020 Bar Examinations,” bahagi ng pahayag ni Leonen.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng dagdag na panahon ang Korte Suprema na makapagsagawa ng mga kinakailangang adjustments at preparasyon para matiyak na ligtas at maayos ang eksaminasyon.
Sinabi ni Leonan na sa darating na Hunyo sila maaaring makapagbigay ng petsa kung kailan itutuloy ang 2020 bar exams na posibleng sa darating na 2021 na. Maaari itong isagawa sa Maynila o sa Cebu City.
- Latest