^

Police Metro

Radyo at TV dapat gamitin ng DepEd sa home schooling

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil wala pang kasiguruhan ang pagbubukas muli ng mga klase sa Hunyo bunga ng COVID-19 crisis, nais ni Senator Win Gatchalian na gamitin na ang radyo at telebisyon para sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

Binanggit ni Gatcha-lian na nasa prangkisa ng mga radyo at TV na 15 porsiyento ng kanilang airtime ay dapat ilaan sa pagtuturo.

Inihalimbawa pa nito na maaaring alas-10:00 ng umaga ay iere ang mga aralin pang-elementarya at pagsapit naman ng alas-2:00 ng hapon ay ang pagtuturo naman sa mga high school students.

Ayon kay Gatchalian sa halip na kung anu-ano ang pinanonood sa telebisyon ng mga mag-aaral, makakabuti pa sa kanila kung aralin nila ang kanilang panonoorin.

Aniya, kailangan lang ay asikasuhin ng DepEd ang scheduling ng pagtuturo at kikilos na rin ang National Commission on Children’s Television na matagal na rin panahon na tila nabalewala.

Binanggit nito na nang mag-lockdown sa China at Hong Kong, ipinagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata gamit ang internet ngunit batid ng senador na hindi lahat ng Pilipinong mag-aaral ay may computer sa bahay kaya’t hindi ito uubra sa bansa.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with