UST graduate sa Bikol nag-top sa 2019 Bar Exams
MANILA, Philippines — Isang babaeng mula sa Legaspi City sa Bicol Region ang topnotcher sa 2019 Bar Examinations na nakapagtala ng 2,103 pumasang examinees.
Sa inilabas na resulta ng 2019 Committee on Bar Examinations, nanguna si Mae Diane Azores ng University of Sto. Tomas-Legaspi nang makakuha ng iskor na 91.04% sa pagsusulit.
Bukod kay Azores, nakuha ng kapwa niya law graduate sa UST-Legaspi na si Myra Baranda ang Top 3 sa nakuhang puntos na 88.82%.
Pumasok sa Top 10 sina Princess Fatimas Parahiman ng University of the East (2nd -- 89.52%), Dawna Fya Bandiola ng San Beda College-Alabang (4th- 88.33%), Jocelyn Fabello ng Palawan State University (5th -- 88.23%), Kenneth Glenn Manuel ng University of Sto. Tomas (6th -- 88.17%), Rhowee Buergo ng Jose Rizal University (7th- 87.87%), Anton Luis Avila ng Saint Louis University (8th -- 87.58%), Jun Dexter Rojas ng Polytechnic University of the Philippines (9th -- 87.57%) at Bebelan Madera ng University of St. La Salle (10th-87.37%).
Ayon kay Senior Associate Justice Estela Perlas Bernabe, chairperson ng 2019 Committee on Bar Examinations, ang 2,103 na pumasa ay 27.36 por-syento ng kabuuang 7,685 examinees na sumabak sa 2019 bar exams.
Mas mataas ito sa 22.07% passing rate noong 2018 Bar Examinations nang may 1,800 na pumasa sa 8,158 na kumuha ng eksaminasyon.
Isinagawa ang 2019 Bar Examinations sa University of Sto. Tomas sa Espana, Maynila at pang-118 na eksaminasyon sa Pilipinas.
- Latest