^

Police Metro

Cavite sasailalim sa 14-day ‘strict quarantine’

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa CO­VID-19 at sa mga nahuhu­ling lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ), ipasasailalim sa 14-araw na “strict quarantine” ang buong Cavite.

Sa Facebook Page ni Cavite Governor Jonvic Remulla, ipinahayag nito na ayaw man niyang gawin subalit kinakailangan nang isailim sa strict quarantine ang buong lalawigan upang hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Simula sa Abril 30 ng alas-12 ng hatinggabi ay epektibong ipatutupad ang strict quarantine hanggang sa Mayo 15 ng alas-5 ng madaling araw.

Ayon pa kay Remulla, ang Cavite ay kasama sa matinding tinamaan at naapektuhan ng nasabing virus sa buong Region 4-A. 

Ang Region 4-A ang pinamalakas na tinamaan ng nasabing sakit sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas. 

Sa loob lamang ng anim na linggo, tinatayang may  P10 billion piso na ang nawala sa produksyon ng nasabing rehiyon at ang lalawigan ng Cavite ang may pinakama­tindi ang pinsala.  

Maituturing na ang COVID-19 pandemic ang siyang pinakamatinding economic dislocation sa kasaysayan.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with