^

Police Metro

Tondo fire: 60 pamilya nawalan ng bahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 60 pamilya ang nawalan ng ka­nilang bahay sa naganap na halos isang oras na sunog kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, alas-6:14 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa tatlong palapag na bahay na pag-aari ni Rey Bucacao sa may 1482 Juan Luna St., Barangay 60 Zone 5, Tondo, na naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahilan para madamay ang mga katabing bahay at umakyat sa 2nd alarm ang sunog.

Alas-6:49 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang pagkalat ng apoy at alas-6:58 ng umaga nang tuluyan itong mapatay na tumupok sa 30 kabahayan.

Tinatayang nasa P300,000 ang halaga ng pinsala ng sunog pero masuwerteng walang nasawi o nasaktan.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with