Nagpakalat ng fake news sa FB, kinasuhan
MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso ang isang lalaki na residente ng Quezon City dahil sa pagpapakalat ng pekeng balita sa Facebook.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), batay sa post, araw-araw umanong nakatatanggap ang suspek na hindi pinangalanan ng hygiene kit na may kasamang P3,000 mula kay Mayor Joy Belmonte at sa Barangay Sangandaan.
Nakakuha naman ang pulisya ng sertipikasyon mula sa tanggapan ng alkalde na nagsabing walang katotohanan ang ulat, na isang misinformation at maaaring magdulot ng kaguluhan. Ang kaso ay isinumite na sa sala ni QC Assistant Prosecutor Ma. Cecilia Estoesta at may NPS Docket No. XV-03-INV-20D-02368.
- Latest