^

Police Metro

Duty ng mga frontliners inirekomendang iklian

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng mga Chinese experts na dapat iklian ang duty ng mga frontliners upang mabawasan ang posibilidad na mahawa sila sa coronavirus disease 2019.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng ulat na umaabot na sa 1,062 health workers ang infected sa bansa.

Inamin ni Roque na ikinababahala rin ng gobyerno ang pagkakasakit ng mga health wor-kers kung saan mahigit 20 na ang nasawing doktor.

“Talagang nababahala ang gobyerno dahil kung magkakasakit sila, sinong mag-aalaga sa atin?” tanong ni Roque.

Kaya dadamihan pa ang magagamit na personal protection equipment (PPEs) ng mga health workers at hihigpitan ang protocol sa infection control.

 Nauna rito, inanunsiyo ng Department of Health ang pagkuha ng mga karagdagang mga health workers sa gitna na nararanasang problema sa COVID-19.

vuukle comment

CORONAVIRUS DISEASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with