^

Police Metro

Voice clip sa total lockdown at martial law, ‘fake news’

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa
Voice clip sa total lockdown at martial law, �fake news�
Ito ang nilinaw kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Spokesman Undersecre­tary Jona­than Malaya, dahil wala pang inilalabas na ganitong kautusan ang Pangu­long Rodrigo Duterte.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Isang ‘‘fake news’’ lamang ang isang audio clip na kumakalat ngayon sa social media at nagpapahayag na magpapatupad ang pamahalaan ng total lockdown sa bansa upang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang nilinaw kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Spokesman Undersecre­tary Jona­than Malaya, dahil wala pang inilalabas na ganitong kautusan ang Pangu­long Rodrigo Duterte.

“Narinig ko po ang voice clip na ‘yun at  unang dinig ko pa lamang ay alam ko na na fake news kasi wala pong ganoong direktiba ang ating pamahalaan. Wala pa pong desisyon ang ating Pangulo sa anumang klaseng sinasabing total lockdown na ‘yan,” paglilinaw ni Malaya.

Aniya pa, maaari lamang na magpatupad sila ng mas mahigpit na enhanced community qua-rantine dahil marami pa ring pasaway ang luma­labag dito.

Kaugnay nito, sinabi ni Malaya na iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naturang voice clip upang matuklasan kung sino ang nasa likod nang pagpapakalat nito.

Una nang kumalat ang isang voice clip ng isang babae na ginaya pa ang boses ni Jessica Soho at nagbababala ng total lockdown, sanhi upang magdulot ng pangamba at pagkaalarma sa mga mamamayan.

vuukle comment

FAKE NEWS

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with