^

Police Metro

Matitigas ang ulo sa Cavite ipapadisiplina sa mga sundalo

Cristina Timbang - Pang-masa
Matitigas ang ulo sa Cavite ipapadisiplina sa mga sundalo
“Nakakakulo ng dugo na 90% ay nasunod sa patakaran ngunit may 10% na matigas ang ulo at baka sanhi ng lalong pagkalat ng COVID-19. Nakakapikon!” pahayag ni Remulla.
Joy Torrejos, file

MANILA, Philippines — Hiningi na ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lalawigan dahil sa marami pa ring sumusuway sa ECQ.

“Nakakakulo ng dugo na 90% ay nasunod sa patakaran ngunit may 10% na matigas ang ulo at baka sanhi ng lalong pagkalat ng COVID-19. Nakakapikon!” pahayag ni Remulla.

Dahil dito, sinabi ng gobernador na mararanasan ang mas mahigpit na patakaran kapag sundalo na ang magpapatupad ng ECQ sa lalawigan.

Makikipag-ugnayan din si Remulla kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año para magamit ang mga tauhan ng Philippine Army at mga reservists upang italaga sa lalawigan.

“Nakiusap na po ako sa ating Provincial Director na tawagin na ang ating mga kaibigan sa AFP na maghanda, mag-deploy ng AFP dito sa Cavite. Ako po ay makikipag-ugnayan kay Sec. Año na gamitin na ang Philippine Army at reser­vist para pairalin ang ECQ sa Cavite. Mamayang gabi ay babalitaan ko kayo sa aking mga panayam,” ani Remulla kahapon.

Sinabi ni Remulla na kailangan niya itong gawin upang tumino ang 10% na pasaway sa Cavite at maisalba ang 90% na sumusunod sa ECQ.

vuukle comment

AFP

ECQ

JONVIC REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with