^

Police Metro

P8.3 milyon puslit na sigarilyo nasabat

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Zamboanga City ang nasa P8.3 milyong halaga ng sigarilyo na tinangkang ipuslit nitong nakaraang Martes.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang BOC-Zamboanga ukol sa isang bangka na buhat sa Jolo, Sulu at dadaong sa Zamboanga City na puno ng sigarilyo kaya’t ikinasa ang operasyon at  nasabat ang bangkang MJ NR4 sa dagat na sakop ng Brgy. Lower Calarian, Zamboanga City.

Nadiskubre na laman ng bangka ang 300 master cases ng iba’t ibang imported na brand ng sigarilyo na may halagang P8,275,000.

Ang mga kargamento ay isinailalim sa Warrant of Seizure and Detention dahil sa kawalan ng permiso buhat sa National Tobacco Administration (NTA) habang sasampahan ang mga nadakip na tauhan ng bangka sa mga paglabag sa Customs Law.

vuukle comment

SIGARILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with