^

Police Metro

Mga ospital na tatanggi sa maysakit sususpendihin

Christian Ryan Sta. Ana, Malou Escudero - Pang-masa
Mga ospital na tatanggi sa maysakit sususpendihin
“Itong namatay...na hindi tinanggap ng anim na hospital. I don’t know if this is true. For example, there’s a patient in the City of Cabanatuan who was refused admission by six hospitals,” sabi ng Pangulo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte laban sa mga ospital na tatanggi sa mga maysakit sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ito ay matapos na makarating sa kanya ang mga ulat nang pagtanggi ng mga ospital sa mga pasyenteng may malalang karamdaman.

“You fail on that, I will relieve all of you sa hospital and you can consider yourself suspended because the written order will follow,” babala ng Pangulo.

Inihalimbawa ng Pangulo ang isang namatay na pasyente sa Cabanatuan na tinanggihan ng anim na ospital.

“Itong namatay...na hindi tinanggap ng anim na hospital. I don’t know if this is true. For example, there’s a patient in the City of Cabanatuan who was refused admission by six hospitals,” sabi ng Pangulo.

Ang pasyente na nasawi ay nakilalang si Ladislao Cabling na nahirapan sa paghinga nang sumpungin ng hika at tanggihan umano ng anim na ospital sa Cabanatuan.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Justice na magsampa ng kaso sa mga lumabag lalo na kung ospital ng gobyerno ang sangkot.

 Giit ng Pangulo, maaaring gumawa ng paraan ang isang ospital katulad ng pagkuha sa isang lugar kung saan maaaring ilagay ang pasyente.

“Kaya lahat na magkasakit, heart attack, appendicitis, pumutok ang kung anong puputok diyan, pumutok ‘yung utak, especially government hospital, my order is: must accept admission,” dagdag nito.

vuukle comment

OSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with