^

Police Metro

Solo parent na pulis exempted sa duty

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na pinagdu-duty bilang frontliner ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa ang mga pulis na solo parent o mag-isang bumubuhay sa kanyang pamilya sa gitna na rin ng banta ng COVID-19 pandemic.

Iniutos din ni Gamboa na para naman sa mag-asawang pulis ay isa lamang sa kanila ang magdu-duty sa national health emergency at ang ka-partner ay sa mga administrative at support duties itatalaga.

Ayon naman kay PNP Spokesman P/Brig. Gen. Bernard Banac, ikinonsi­dera ni Gamboa ang inisya­tibong ito upang bigyang proteksyon ang kapakanan ng mga miyembro ng pa­mil­ya partikular ang mga anak ng mga pulis.

Inatasan na ni Gamboa si P/Major Gen. Reynaldo Biay, Director for Personnel and Records Management na magsagawa ng accounting sa mga solo parent ng PNP gayundin sa mga mag-asawang pulis na nasa frontline duties o naka-deploy tulad sa mga checkpoint  kaugnay ng paglaban sa COVID 19.

Binigyan din ng direktiba ni Gamboa si P/Brig. Gen. Marni Marcos Jr., Acting Director for Comptrollership na makipagkoordinasyon sa mga pribadong lending institutions para suspindihin muna ang pagkaltas sa mga loan ng mga pulis.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

PULIS

SOLO PARENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with