^

Police Metro

DILG suportado ang lockdown extension

Mer Layson - Pang-masa
DILG suportado ang lockdown extension
Pila-pilang nakakuha kahapon ng tig-25 kilos o kalahating kaban ng bigas ang mga informal settlers ng Kaliraya St. sa Quezon City mula sa trak-trak na bigas na donasyon ng Tzu Chi Foundation para sa mga mahihirap sa lungsod sa kasagsagan ng Luzon-wide enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary  Eduardo Año na suportado niya na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon hanggang sa tuluyang bumaba ang COVID-19 infections sa bansa.

Ayon kay Año, naka­takdang magpulong ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong araw upang pagdesisyunan kung irerekomenda ang pag-aalis o pagpapalawig ng ECQ kay Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda nang magtapos sa Abril 14.

Gayunman, sinabi ni Año na kung siya ang ta­ta­nungin ay pabor siyang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng ECQ upang matiyak na tuluyang masugpo ang paglaganap ng virus sa bansa.

Ipinaliwanag ng kalihim na kasalukuyan ding naka-self quarantine matapos na magpositibo aa COVID-19 na ang inisyal na projections nila ay maoobserbahan ang pag-peak ng pandemic sa bansa sa Hunyo at Hulyo, na may 30,000 na bilang ng impeksiyon.

Kung hindi isinagawa ang lockdown, ang projection nila ay posibleng nasa mahigit 20,000 na ngayon ang kaso ng sakit sa bansa matapos iulat nitong Sabado (Abril 4) ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 3,094 ang naitatala nilang COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala sila ng 76 na bagong kaso ng sakit, na pinakamababang bilang na naitala nila “on a daily basis” simula noong Marso 26.

Sa kabila ng naturang pagbaba, sinabi naman ng DOH na masyado pang maaga para sabihing bumababa na ang pande­mic curve sa bansa na sa  kabuuang bilang, 57 na pasyente na ang gumaling habang 144 naman ang namatay.

vuukle comment

EDUARDO AñO

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with