^

Police Metro

Crime rate sa bansa bumaba ng 53 porsyento – PNP

Pang-masa

Sa gitna ng COVID-19 crisis

MANILA, Philippines — Bumaba ng mahigit 50 porsyento ang crime rate sa bansa sa pagpapatupad ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon na pinaiiral na rin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa COVID 19 pandemic.

Ayon kay Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) Commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nasa 53% ang ibinaba ng crime rate sa loob ng 18 araw kumpara sa 18 araw ng kaparehong period ng nagdaang taon.

“For the past 18 days ay bumaba po ang level ng krimen,” ani Eleazar opisyal habang naka-qua­rantine ang mga residente dulot ng matinding banta sa kalusugan ng pandemic na virus.

Ang Community Qurantine noong Marso 14 ay unang ipinatupad sa Metro Manila na pinalawig bilang Enhanced Community Quarantine o total lockdown sa buong Luzon noong Marso 17 kung saan bawal lumabas ang nasa 50M Pilipino sa kanilang mga tahanan, isinara ang mga malls, establisyemento, hinto muna ang trabaho, walang pasok sa eskuwela, walang transportasyon at iba pa.

Puwera naman dito ang mga health workers, PNP, AFP, public safety officials, nasa cargo, drugstores, supermarket, deli­very business at iba pa  na tuloy ang operasyon.

Samantalang nagpatupad ng community quarantine ang  iba pang lugar sa Visayas at Mindanao para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay at nakahahawang virus.

Sa tala ng Department of Health, lumobo na sa mahigit 3,000 katao ang nag-positibo sa COVID 19, nasa 136 ang nasawi at 59 naman ang nakarekober.

Ayon kay Eleazar, kabilang sa nasabing mga krimen ay robbery, theft at carjacking na siyang barometro o sukatan sa peace and order.

Sinabi ni Eleazar na ang pinakamababang antas ng kriminalidad ay naitala sa Luzon na nasa 60% ang ibinaba dulot ng lockdown.

Nasa 46 % naman ang ibinaba ng kriminalidad sa Visayas na maraming lugar ang nagpatupad rin ng community quarantine at ipinagbawal ang pagbiyahe sa kanilang mga lugar. Bumaba rin ang kriminalidad ng 46 % sa Mindanao Region.

vuukle comment

CRIME RATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with