^

Police Metro

Ambulance driver inakusahan na may COVID-19, binoga ng kapitbahay

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pang-masa

Habang sinusundo ang frontline health worker

MANILA, Philippines — Sugatan ang driver ng isang ambulansya na susundo sana sa isang frontline health worker ng ospital makaraang barilin ng kapitbahay na nag-akusa sa una na may COVID-19 sa Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon, iniulat kahapon.

Nagtamo ng tama ng bala ng caliber 9mm sa palad at daliri ang biktimang si Sofronio Ramilo, 51, ambulance driver ng Peter Paul Medical Center sa Candelaria, Quezon samantalang arestado at kinasuhan na ang suspek na si Ramil Alcantara, 45.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9:00 ng gabi noong Huwebes ay ipinarada ng biktima ang minamaneho nitong ambulansya sa loob ng Maliwanag Subdivision upang sunduin at isakay ang isang kapitbahay niyang health worker na kabilang sa mga frontliners ng naturang ospital.

Lumapit umano ang suspek at pilit na pinaaalis ang biktima dahil mayroon daw siyang virus na COVID-19.

Sa puntong iyon, iginiit ng biktima na wala siyang sakit pero nagmatigas ang suspek at sapilitang itinataboy ang una hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Doon na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Agad namang naaresto ang suspek ng mga nagrorondang barangay tanod at dinala sa himpilan ng pulisya.

Kaugnay nito, mariing kinondena nitong Sabado ng dalawang kongresista ang pamamaril sa naturang ambulance driver sa Candelaria, Quezon sa gitna na rin ng patuloy na panawagan sa netizens na huwag manakit at mang-harass ng mga frontline workers kaugnay ng krisis sa COVID 19.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, isa sa may akda ng Bayanihan To Heal As One Act, kailangang protektahan ang mga health workers na matapang na sumusuong sa panganib sa kanilang pagtratrabaho.

Sinabi ni Yap na hindi dapat sinasaktan at hina-harass ang mga health wor­kers na nagsasakripisyo sa pagtulong sa kapwa.

Sa panig ni ACT–CIS Partylist Rep. at Assistant House Majority Leader Niña Taduran, dapat maparusahan sa ilalim ng batas ang sinumang mananakit, mangha-harass at hindi magbibigay respeto sa mga health workers.

“We have a single enemy, and that’s Covid-19. In this time of crisis, we must unite and help each other instead of discriminating and inflicting harm especially on our health workers,” ayon pa kay Taduran.

vuukle comment

COVID-19

FRONTLINE HEALTH WORKER

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with