^

Police Metro

COVID case sa Pinas, 3,094 na; patay umakyat sa 144

Ludy Bermudo - Pang-masa
COVID case sa Pinas, 3,094 na; patay umakyat sa 144
Kamakalawa, nasa 3,018 ang confirmed ca­ses, 136 ang nasawi habang 52 ang nakarekober.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 3,094 ang naitalang positibo sa coronavirus 2019 di­sease (COVID-19) matapos madadagan pa ng 76, walo ang bagong naitalang patay na may kabuuang bilang na 144 at lima ang bagong nakarekober na umabot na sa 57, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), kahapon ng hapon.

Kamakalawa, nasa 3,018 ang confirmed ca­ses, 136 ang nasawi habang 52 ang nakarekober.

Samantala, umabot na sa 19,000 indibiduwal ang naisalang sa COVID-19 tests at ang positibo ay uma­bot sa 3,749. Gayunman, nilinaw ni Vergeire na ang nagpositibo sa bilang na ito ay hindi kapareho ng kinukumpirmang bilang ng DOH dahil ang sobra rito ay mula sa mga indibiduwal na naulit lamang ang lab test ng samples sa mga na-admit at kinailangang imonitor.

Sa 19,000 na nasuri, 15,398 ang negatibo sa COVID-19 habang 49 naman ang “equivocal” na posibleng positive o negative kaya kinailangang ulitin para sa accurate na resulta.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with