^

Police Metro

3 drug den sinalakay, 16 ‘pushers’ nadakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit na naka-lockdown ang Metro Manila dahil sa COVID-19, patuloy pa rin ang bentahan ng iligal na droga kaya’t nagsagawa ng pagsalakay ang mga otoridad sa tatlong drug den sa Sampaloc, Maynila at naaresto ang 16 na hinihinalang drug pusher, kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-10:00 ng umaga, sabayang sinalakay ng mga tauhan ng PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) at ng Manila Police District (MPD) ang mga drug den sa No. 916, Quezon Boulevard, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila RTC Branch 18 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na sina Nenita Ocampo, 53, maintainer umano ng naturang drug den; Rochelle Ocampo, 34, target-listed; Mohamad Hamza, 27; Wencislao Matugina, 60, at Eric Baful, 47. Nakumpiska dito ang 16 pakete ng hinihinalang shabu na nasa 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000 at mga drug paraphernalia.

Sinunod na sinalakay ang drug den sa No. 908, Quezon Boulevard at dito naaresto sina Mark Ocampo alyas “Mayor”, 23, target-listed; Luis Pelayo Ocampo Jr., 61, target-listed; John Raymart Acano Lindo, 28; Marlon Tawat, 39, at Eddie Gonora Cruz, 35 at nakumpiska ang 18 pakete ng hinihinalang shabu na 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000 at mga drug paraphernalia.

Ang ikatlong sinalakay ay ang drug den sa No. 1030 Quezon Boulevard, na may ilang bloke lang ang layo mula sa dalawang naunang binanggit na drug den at dito naaresto sina Felipe Cumigad, alyas “Pepe”, 54, target-listed; Juliet Dapdap, 48, target-listed; Jake Bautista, 33; Nora Valle, 40; Maria Teresa Pago, 51; at Jayson Mercado, 18 at nakumpiska ang 11 pakete ng  shabu na may timbang na 15 gramo at may hala­gang P102,000 at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with